Ngayon ko lang pinanood yung PBB na pinalabas kagabi. Naiinis ako kay Claire, hindi lang dahil sa kaartehan niya kundi dahil sa mga excuses niya bakit siya nagkaron ng mga bisyo at bakit ganun ang nangyari sa buhay niya. Nasa maturity ng isang tao kung pano niya tatanggapin lahat ng problema na darating sa buhay niya.
Nakakarelate ako sa nangyari sa buhay niya, wala yung tatay niya, may sakit yung nanay niya, galit siya sa mundo at naiinggit siya sa ibang pamilya na buo. Ganyan din ako, ganyan ang nararamdaman namin ng mga kapatid ko, ganyan nararanasan namin ng pamilya ko pero we don’t stop living just because some things are not working out for us. Sabi nga nila, hindi daw lahat binibigay sa’yo ni God. You have to work really hard for those things, kasi kung lahat ibibigay sa’yo, hindi mo na maiisip sumandal kay God.
Life won’t stop dahil nadapa ka, di yan titigil dahil lang sa problema mo, tuloy tuloy lang yan, nasa sayo kung pano ka hahabol at mananalo sa race na to. Nadapa ka? tumayo ka. ipakita mo sa lahat na kaya mo, hindi yung ilulugmok mo pa yung sarili mo sa mga walang kwentang mga bagay.
My college crush and classmate in Theory of Architecture 2 (He’s 2 years older and has a gazillion times of hotness), had his oath taking today. Congrats Architect Matt Wong! weeee!

here’s more of him.. weee..
my superman!!


My baby sister (not so baby anymore, nonetheless, still our baby), Karla
My other little sister, Tine
Super kwela sisters.. (singing banana.. potatanaaaaa.. all night long..)
Coke Float
Fries dipped in gravy
(Source: pictures-in-flash)
My cousin’s daughter, Nicole.
My uber kulit cousin Harold
Nageemo Yumi.
Sushi!!!!!!
(Source: pictures-in-flash)
Chandelier from the Lobby
Kid in the waterfalls
Halo-Halo Villa Escudero style
Another chandelier from one of the halls
Nagising ako kaninang umaga na umiiyak. Ang naaalala ko lang sa panaginip ko ay yung kausap ko yung Tito ko at paulit ulit nyang sinasabi sa kin na “Don’t be sad just because you feel unwanted by your dad.” Naisip ko lang, yung dreams ba e, representation ng nararamdaman mo pero di mo maipakita or maipahayag?
Naalala ko din yung interview ko sa Mint College regarding sa Family ko, most specifically sa Dad ko. She (interviewer) gave me two situations and I have to react on it or choose: (a) Babalik yung Dad ko, pero may pamilya na sya. And isasama nya yung bagong pamilya nya, sa pamilya namin. (b) Hindi siya babalik pero may assurance ka na wala pa syang bagong pamilya.
Honestly, madali lang naman sagutin yang tanong na yan eh. Pero ang mahirap dyan eh, kung nandun ka na sa situation na yan. Siguro nga, madali sabihin na, “SURE TATANGGAPIN KO YUNG BAGONG PAMILYA NG DAD KO” or “OKAY LANG KUNG HINDI SYA BUMALIK, TUTAL ALMOST 10 YEARS NA DIN KAMI DI NAGKIKITA.” Pero ang di ko maimagine eh, yung day na dumating na talaga sa punto na kailangan ko mamili o kailangan ko na magreact.
Sabi nga ng friend ko, maghintay lang daw ako, malay mo totoo yung “AFTER 10 YEARS” na sinasabi nila. Malay mo after 10 years, pagbukas ko ng pinto, andyan na pala yung dad ko. Malay natin after 10 years, mabubuo na pala yung family ko ulit. Malay lang natin. Malay diba?
Kung ano mang mangyayari in the future, hindi natin alam, basta maghihintay ako sa oras/araw na darating sya and mabubuo ulit yung family namin.
Tama naman diba?